Sunday, 6 May 2018

Himagsik Laban sa Maling Pamahalaan

Himagsik laban sa Maling Pamahalaan
Ni: Frea Marie Pauline Magbanua


Ang akdang “Florante at Laura” ni Francisco Kiko “Balagtas” Baltazar ay kanyang isinulat noong panahon ng kanyang pagkabilanggo sa pananakop ng mga Kastila at ito ay nailathala noong taon 1838. Ang akdang ito ay tungkol sa pag-iibigan ni Florante at Laura, at ang hirap na kanilang pinagdaanan upang makamit ang kaligayahan sa huli, ngunit hindi lamang ito simpleng “love story”. Ang akdang ito ay makikitaan din ng iba’t ibang uri ng himagsik: himagsik laban sa hidwaang pananampalataya, himagsik laban sa maling pamahalaan, himagsik laban sa mababang uri ng panitikan at himagsik laban sa maling pagpapalaki ng anak. Ang mga himagsik na ito ay hindi natin makikita agad-agad, dahil ito ay itinago o ipinakita ni Balagtas gamit ang mga matatalinhagang salita, at mga tayutay.

Gaya nga nang sinabi ko, isa sa mga himagsik na ipinakita ni Balagtas ay ang himagsik laban sa maling pamahalaan.

Si Konde Adolfo ay nagpakalat ng maling balita sa Albanya tungkol sa Haring Linseo na agad namang ipinaniwalaan ng mga tao. Ang balitang ito ang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga mamamayan ng Albanya laban sa hari. Inakala rin ng mga tao na si Duke Briseo, na siyang kanang kamay ng hari, ay kasabwat din nito. Ikinulong ang dalawa, at ‘di nagtagal ay ipinapatay din sila ni Konde Adolfo. Si Konde Adolfo naman, bilang isa sa mga makapangyarihang tao sa Albanya, ang siyang naging hari. Dito na nag-umpisa ang lahat, ang Albanya ay napuno ng kasinungalingan, kataksilan, at kalungkutan. Ang dating sigla at ningning ng Albanyang Reyno ay nawala dahil sa isang kasinungalingan. Atin din makikita na handang gawin ni Konde Adolfo ang lahat makuha lang ang gusto niya, at isa na roon ang maging hari ng Albanya.

16 comments: